Inamin ni Samal Mayor Aniano Antalan na hindi nila inaasahan ang pagdukot sa 3 dayuhan at 1 Pilipina sa Holiday Ocean View Park sa Brgy. Camudmod, Island Garden City of Samal.
Sinabi ni Antalan na kulang ang security guards sa ilang resorts nila sa isla.
Dismayado rin si Antalan dahil matagal na siyang nananawagang magkaroon ng security meeting na ipinagwalang bahala lamang ng resort owners.
Nagpatawag na ng security conference si Antalan para ipaalala ang responsibilidad sa pagbibigay seguridad sa kanilang mga negosyo.
Nanindigan si Antalan na walang NPA sa kanilang lugar kaya’t imposibleng ito ang responsable sa nasabing krimen.
By Judith Larino