Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang naglalayong patatagin pa ang seguridad ng tenure workers sa pribadong sektor.
Sa botong 204 yes, pito ang no at tatlo ang abstain inaprubahan ng kapulungan ang House Bill 7036 o “security of tenure act”.
Sa nasabing panukala ipagbabawal ang labor only contracting o kung sakali na ang contractor ay walang sapat na capital o investment pagdating sa tools, equipments, machineries at work premises.
Kasama na rin dito ang pagkakataon kung walang kontrol ang contractor sa workers’ methods at means kung paano matatapos ng mga empleyado ang kanilang trabaho.
Mayroon din itong bagong probisyon kung saan kinakailangang lahat ng tao na ginagawang negosyo ang pagiging job contractors ay dapat kumuha ng lisensya mula sa Department of Labor and Employment.
Sa oras na mapatunayang iligal ang ginagawa ng business owner ay maaaring ipasara ang kumpanya at nakasaad din sa panukala ang mga karapatan at benepisyo ng relievers, project at seasonal employees tulad ng mga regular na empleyado.