Hindi kasama ang security of tenure bill sa mga panukalang batas na hinihingi ng Malakanyang sa kongreso na maipasa.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, 22 panukala ang ibinigay ni Executive Secretary Salvador Medialdea bilang priority bills ng administrasyong Duterte ngayong 18th congress.
Ibinatay aniya ito sa mga inilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakaraang State of the Nation Address (SONA) kung saan kabilang ang pagbabalik sa death penalty, ROTC at pagtatatag ng mga departments of resilience, OFW at water management.
Sinabi naman ni Sotto na maaari pa rin nilang maidagdag o maihabol ang security of tenure bill sa mga isusumite nilang priority bills bago ang isasagawang mini Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Agosto a-bente siyete.