Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong solusyunan ang problema ng bansa sa endo o end of contract sa mga manggagawang Pilipino.
Ito’y makaraang isandaan at siyamnapu’t siyam (199) na mambabatas ang bumoto pabor sa Security of Tenure Act habang pito naman ang tumutol dito.
Sa ilalim ng nasabing panukala, aamiyendahan nito ang umiiral na Labor Code para palakasin naman ang security of tenure ng mga empleyado sa kanilang pinapasukang kumpaniya.
Ipagbabawal din sa ilalim ng batas ang labor only contracting at oobligahin din nito ang mga job contractors na kumuha ng lisensya sa Department of Labor and Employment o DOLE.
Ituturing na rin bilang illegal dismissal ang hindi pagbigbigay ng due process sa mga empleyado mula sa kanilang mga employer na isa sa mga palasak na labor violation ng mga kumpaniya.
—-