Aprubado na sa ika-2 pagbasa sa kamara ang house bill 7036 o ang security of tenure bill na naglalayong matuldukan na ang labor-only contracting sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, maituturing ang labor-only contracting kung walang matatag na capital o investment ang contractor sa usapin ng mga kagamitan, makinarya at lugar ng trabaho.
Kung walang kontrol ang contractor sa paraan ng pagtatrabaho ng manggagawa o hindi nila ito masuportahan at kung ang empleyado ng isang contractor ay gumaganap direkta sa trabaho ng principal business of employer.
Nakasaad din sa panukala na kinakailanngang kumuha muna ng lisensiya mula sa DOLE ang lahat ng indibiduwal o establisyemento na papasok sa negosyo ng job contractor.
Pinasimple at nilinaw din ang klasipikasyon ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagamit sa regular employment bilang pangkalahatang panuntunan habang ipinagbabawal naman ang fixed term employment.
Kinakailangan ding makatanggap ang mga relievers, project at seasonal employees ng katulad na karapatan at benepisyo sa mga regular na empleyado.
Samantala, maaari namang ipagharap sa kasong administratibo, pagmultahin at posible maipasara ang negosyo ng mga mapatutunayang sangkot sa end of contract at labor only contracting.