Ipinag-utos na ng Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Services o PNP-SOSIA sa mga security agency ang mas mahigpit na security inspection sa mga establisimiyentong kanilang binabantayan.
Bahagi ito ng mas mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng PNP ngayong Kapaskuhan.
Inatasan ng PNP-SOSIA ang mga guwardiya na higpitan ang inspection lalo na sa mga entrance, exit, parking at perimeter ng establisimiyento upang walang makalusot na kriminal.
Dapat rin umanong alam ng guwardya ang numero ng pinakamalapit na istasyon ng pulisya upang agad makapag-report kung may emergency.
Pinaalalahanan rin ng PNP-SOSIA ang security officers ng mga mall, hotel at iba pang pampublikong lugar na tiyaking gumagana ang kanilang CCTV at may nakabantay sa CCTV room buong araw.
(Ulat ni Jonathan Andal)