Isa na namang empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa pahayag ni House of Representative Secretary General Atty. Jose Luis Montales ngayong Linggo, Abril 19, ang nasabing empleyado ay nagta-trabaho bilang isang security personnel sa Kamara.
Huli anila itong pumasok sa trabaho noon pang Enero ng kasalukuyang taon.
Ayon pa kay Montales, asymptomatic ang nasabing empleyado at kasalukuyang naka-admit sa ospital matapos mag positibo.
Abril 7 nang unang ma-admit ang pasyente sa ospital dahil sa pneumonia at na-discharged rin matapos ang ilang araw.
Ito na ang ikalawang empleyado ng Kamara na nagpositibo sa nasabing virus.
Una nang napaulat ang isang staff mula naman sa Printing Service ng Mababang Kapulungan ang nagpostibo rin sa COVID-19.