Sisimulan na ng NCRPO o National Capital Region Police Office ang preparasyon sa seguridad para sa nalalapit na SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, nakatakda silang magsagawa ng anti-CDM o Crowd Disturbance Management competition sa Rizal Park sa Sabado.
Aniya, makikibahagi sa nasabing CDM competition ang regional police safety batallion at public safety batallion ng NCRPO.
Tiniyak ni Albayalde na mas mahigpit ang ipatutupad na seguridad sa SONA dahil na rin sa ilang usapin tulad ng implementasyon ng Martial Law sa Mindanao at krisis sa Marawi City.
By Meann Tanbio
Security preparation para sa SONA pinaghahandaan na was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882