Ginamit ng mga bilanggong nang hostage kay Senador Leila De Lima ang oras ng kanilang pagpapahangin at pagpapaaraw para sa tangkang pagtakas.
Ayon ito kay PNP Spokesperson Col Jean Fajardo kaya’t dapat nilang busisiin ang pinaiiral na security protocols partikular sa PNP Custodial Center.
Sinabi sa DWIZ ni Fajardo na gumagawa na rin sila ng mga paraan para hindi na maulit ang nasabing insidente.