Nagharap sa isang diyalogo ang mga kinatawan ng security sector at academe upang talakayin ang usapin hinggil sa academic freedom.
Sa naging pagpupulong sa Camp Crame, dumalo sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Guillermo Eleazar, Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero De Vera, University of the Philippines (UP) Presdient Dr. Danilo Concepcion kasama ang UP Board of Regents.
Gyaundin sina Polytechnic University of the Philippines (PUP) President Dr. Emmanuel De Guzman at ang mga kinatawan mula sa Ateneo De Manila University at De La Salle University.
Siniguro ni PNP Chief Albayalde na simula pa lamang ito ng nga serye ng pag-uusap sa pagitan ng security sector at ng academe hinggil sa kung paano mapapaganda ang relasyon ng dalawang sektor para itaguyod ang kapakanan ng mga mag-aaral.
Una nang nagkaroon ng isyu sa pagitan ng dalawa nang ipanukala ng PNP na paigtingin ang presensiya nito sa mga paaralan kasunod ng balitang nagkakaroon ng recruitment ang mga rebelde sa mga unibersidad.