Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa security staff ng House of Representatives.
Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, nakatalaga sa opisina at barracks ng Legislative Security Bureau ng Kamara ang nabanggit na security staff.
Huli aniya itong nagreport sa trabaho noong Lunes, Hulyo 6.
Sinabi ni Montales, kasalukuyan na itong naka-home quarantine habang nagsasagawa na rin sila ng contact tracing.
Kaugnay nito, hinimok naman ni Montales ang lahat na manatiling kalmado at patuloy na magpatupad ng ibayong pag-iingat.