Hinikayat ni IT Expert Jerry Liao ang mga banking company na gawing regular ang pagcheck sa kanilang security system upang maiwasan ang hacking incident.
Kasunod ito ng libu-libong pisong nawala sa ilang depositors ng BDO matapos ang hindi otorisadong money transfer sa isang alyas “Mark Nagoyo.”
Ayon kay Liao, dapat na palakasin pa ng mga kumpaniya ang seguridad upang hindi na maulit sa iba pang mga kliyente ng BDO ang kontrobersyal na hacking incident kung saan, posible ding putaktihin ng mga hacker ang iba pang industriya na gumagamit ng kaparehas na teknolohiya. —sa panulat ni Angelica Doctolero