Pinalagan na ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona ang netizens kaugnay sa pagkaka-link nito sa Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.
Ito ay dahil nadadamay na umano ang kanyang pamilya sa cyberbullying.
Paglilinaw ni Sef, walang namamagitan sakanila ni Maine.
Sa kanyang official tweeter account, inihayag ni Sef na magkaibigan lang sila ni Maine at hindi din umano sila nagde-date.
Isinulat ni Sef ang mga katagang:
Mariing iginiit din ng Kapuso comedian na hindi sila nagkikita ng palihim ni Maine.
HIling ni Sef sa publiko ay tigilan na ang pangbabash.