Ipinatupad na ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang Segregation Scheme sa kanilang mga pasahero upang maiwasan ang mahabang pila tuwing rush hour.
Sa ilalim nito, hiwalay na ang pila ng mga pasahero na may dalang malalaking bagahe at mga may maliliit na bag.
Ayon kay DOTr MRT-3 General Manager Engineer, Federico Canar, idaraan sa x-ray scanning machine ang mga malaking bagahe habang manual na i-che-check gamit ang metal detector ng mga may dalang maliit na bag.
Humahaba ang pila ng mga mananakay sa x-ray machine tuwing peak hours kaya’t naisip nilang hatiin ang pila.
Epektibo anya ang Segregation Scheme ng MRT-3 simula kahapon. —sa panulat ni Jenn Patrolla