Hindi hahayaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na makapaghasik ng karahasan ang AFP sa pagdiriwang ng anibersaryo nito sa Marso 29.
Tiniyak ito sa DWIZ ni AFP Spokesman Brigadier General Bienvenido Datuin na nagsabing pinaigting pa nila ang kanilang focused military operations para mapigilan ang anumang pagtatangka ng mga rebelde na maghasik ng kaguluhan.
“Alerto lahat ng ating personnel lalo na ang ating mga units ngayon, ito kasing March 29 kada taon ay nagsasagawa sila ng kanilang mga offensive operation, tayo naman magiging aktibo tayo hindi lang sa ating opensa kundi pati na rin sa depensa natin, alerto lahat ng ating units, we will make sure that they will not conduct any attack or atrocities through focused military operations, tuloy-tuloy ang ating operations sa mga kanayunan at kabukiran to protect not only the soldiers but of course the people and the properties.” Pahayag ni Datuin
Samantala, nananawagan namang muli si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga NPA na ibaba ang kanilang mga armas at makipagtulungan sa pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan.
Sa nalalapit na anibersaryo ng rebeldeng grupo, pinayuhan ni Lorenzana ang mga ito na pag-isipang mabuti ang apatnapu’t siyam na taon nilang pakikibaka kung may napala sila dito at kung may mapapala pa sila sa susunod na limampung (50) taon.
(Ratsada Balita Interview)