Muling umapela sa publiko ang Malakaniyang na laging maging mapagmatyag at ugaliing makipagtulungan sa mga awtoridad.
Inihayag ito ng Palasyo sa harap na rin ng banta ng seguridad sa lalawigan ng Palawan makaraang maglabas ng abiso ang iba’t ibang bansa tulad ng Amerika, United Kingdom, Australia at Canada sa kanilng mga mamamayan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan maging Pilipino man o dayuhan.
Kasunod nito, sinabi ni Abella na nagtaas na ng heightened alert status ang AFP Western Command at nakikipag-ugnayan na ito sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
By: Jaymark Dagala