Mas mahigpit na seguridad na ang ipatutupad ng pamahalaan ng Brazil sa border nito sa malapit sa Venezuela.
Kasunod ito ng pagdagsa ng mga Venezuelan na nagnanais na tumakas sa kanilang bansa kasunod ng nararanasang economic meltdown at kaguluhan dito.
Ayon kay Brazilian President Michel Temer, dumating na sa mga border ang mga sundalo upang makontrol ang pagpasok ng mga Venezuelan.
Aniya, mula sa dating pitong daan (700) kada araw ay isa hanggang dalawang daang residente na lamang mula sa Venezuela ang kanilang papayagang pumasok sa kanilang bansa.
—-