Nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante na kanilang tiyakin ang seguridad ng kanilang mga empleyado, sa oras na magbalik-operasyon ang mga ito sa mga lugar na sasailalim sa general community quarantine (GCQ) sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ang naging mensahe ng pangulo sa kanyang ika-limang televised address, aniya dapat siguruhin ng mga may-ari ng malls o anumang establisyimento, malaki man o maliit.
Ani Pangulong Duterte, ang mga ito ay dapat nangangalaga sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan, kung saan dapat din aniyang i-disinfect ang kanilang mga pagtatrabahuan bago muling magbalik ang kanilang operasyon.
Iyong mga tindahan, ‘yung mga bazaars, mga malls — big or small — it behooves upon you to see to it that the workers are protected. Meaning to say that the sanitation of the place must be guaranteed and that the employees are provided with durable and workable masks,” ani Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address ngayong Abril 27.
Bukod pa riyan, dapat ding may mga health protocols na ipatutupad bilang pag-i-ingat sa pagkalat ng virus.
When you asked us to open we agreed but there are the protocols to be followed. Not immaculately clean but just sanitize it for COVID not to thrive tapos you know endangering your employees,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.