Doble higpit ang seguridad na ipatutupad ng militar sa buong Mindanao sa Lunes, Hunyo 26 kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Ayon kay EASTMINCOM o Eastern Mindanao Command Deputy Commander Brig. General Gilbert Gapay, walang magbabago sa ipinatutupad nilang seguridad sa Mindanao simula nang ideklara ang Martial Law noong isang buwan.
Maliban sa pagtitiyak sa seguridad ng mga lugar na pagdarausan ng pagdiriwang, paiigtingin din ang mga checkpoints at security patrol upang walang makalusot na masasamang elemento na nagtatangkang maghasik ng gulo.
Kasunod nito, nakikipag-ugnayan na ang militar sa Muslim communities sa Mindanao upang magkatuwang silang babalangkas ng mga mas istriktong hakbang at umaasa silang magiging ligtas at mapayapa ang nasabing araw.
By Jaymark Dagala / with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Seguridad sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr tiniyak was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882