Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang seguridad ni Senadora Leila de Lima na kasalukuyang nasa PNP Custodial Center.
Ito ay matapos sumuko si De Lima noong Biyernes dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay Dela Rosa, binisita niya ang senadora sa PNP Custodial Center sa unang gabi doon ng mambabatas upang tignan ang sitwasyon at siguruhin ang seguridad nito.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
By Ralph Obina
*PNP Photo