Dinoble na ng Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) ang seguridad kung saan naroon ngayon si Kerwin Espinosa.
Ayon kay Supt. Glicerio Cansilao, hepe ng police community relations ng AIDG, pinull-out nila mula sa field ang kanilang mga tauhan at pinagbantay dito sa AIDG.
Aniya, bawal pumasok kung hindi kilala ni Kerwin.
Hindi naman masabi ni Cansilao kung maililipat si Kerwin mula AIDG patungong Custodial Center.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal (Patrol 31)