Nakikipag-ugnayan na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine National Police (PNP) para paigtingin pa ang seguridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Col. Edgard Arevalo, spokesman ng AFP kasunod na rin ng pahayag ng pangulo hinggil sa umano’y banta sa kaniyang buhay ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika.
Pero ayon kay Arevalo, laging may nakahada silang mga hakbang kung paano matutugunan ang iba’t-ibang klaseng banta laban sa pangulo at tulad din ng pnp, siniseryoso nila ang nasabing usapin.
Una rito, inihayag ni PNP chief Dir/Gen. Oscar Albayalde na vinavalidate nila ang mga impormasyon hinggil sa mga banta sa punong ehekutibo bagama’t aminado siyang paulit-ulit nila itong naririnig.