Kumpyansa ang pamunuan ng PNP sa kasalukuyang grupong nagbibigay ng seguridad kay PNP Chief Director general Ronald Dela Rosa.
Sa harap ito ng tumitinding banta sa buhay ni Dela Rosa mula sa mga drug lord na nakikipagsabwatan na umano sa mga teroristang grupo na Bangsamoro Islamic Freedom Fighter at ISIS.
Ayon kay PNP Spokesperson police senior superintendent Dionardo Carlos, mataas ang kwalipikasyon ng mga tauhang nagbabantay kay Dela Rosa.
Kinabibilangan, aniya, ito ng mga SAF Trooper at iba pang elite force ng PNP.
“If you put one SAF trooper to the chief, one SAF trooper before and he will be there is equivalent to 10 policeman so I think the qualification and the background of the people around him now malakas ho yun”. Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesman Carlos
Dahil dito sinabi ni Carlos na walang plano sa ngayon ang PNP na dagdagan ang seguridad ng PNP chief.
Una nang sinabi ni Dela Rosa na hindi siya natatakot mamatay sa pinasok niyang giyera kontra droga
By: Avee Devierte/ (Reporter No. 31 )Jonathan Andal