Doble higpit na rin ang ipinatutupad na seguridad kay Vice President-elect Leni Robredo gayundin sa pamilya nito.
Ito ang inamin ng kampo ni Robredo kasunod ng mga natatanggap na banta sa buhay laban sa susunod na Bise Presidente.
Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, makabubuti aniya ang ginagawang paghihigpit sa seguridad ni Robredo upang matiyak ang kaligtasan nito.
Mula aniya nang maiproklama si Robredo, lalo pang dumami ang mga natatanggap nilang banta na karamihan ay nagmumula sa mga text message.
By Jaymark Dagala