Dinagdagan pa ang seguridad ni Vice President Leni Robredo matapos niyang tanggapin ang posisyon bilang Co-chair ng inter agency on anti illegal drugs.
Ipinabatid ito ni Atty Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo dahil batid ng bise presidente na drug lords ang kaniyang makakalaban.
Sinabi ni Gutierrez na nuong nagpasya si Robredo na tanggapin ang nasabing trabaho nag step up na rin aniya ang kaniyang security para matiyak ang kaniyang kaligtasan.
Magugunitang Miyerkules nang tanggapin ni Robredo ang nasabing alok ng Pangulong Rodrigo Duterte na may cabinet rank at magtatapos ang termino hanggang June 30, 2022 maliban na lamang kung bawiin ng pangulo ang nasabing appointment.