Tiniyak ng Philippine National Police na ligtas nilang mai-uuwi sa Pilipinas si suspected drug lord Kerwin Espinosa.
Ito’y makaraang maaresto si Espinosa sa Abu Dhabi, United Arab Emirates dahil sa mga kasong illegal possession of firearms at paglabag sa dangerous drugs act.
Ayon kay PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, magiging bantay sarado si Kerwin ng PNP sakaling i-turn over na ito ng Abu Dhabi police na siyang naka-aresto sa kaniya.
Dagdag pa ni Carlos, pasusuotin nila ng bulletproof vest at Kevlar helmet si Espinosa kung kinakailangan upang matiyak lamang na mai-uuwi nila itong buhay.
By: Jaymark Dagala