Muling tiniyak ng Malakaniyang na kasado na ang inilatag nilang seguridad para sa pagdaraos ng iba’t ibang mga aktibidad para sa ASEAN Summit dito sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Chief Protocol at ASEAN 2017 Director General for Operations Ambassador Marciano Paynor, plantsado na ang kanilang security plan partikular na sa mismong ASEAN leader’s meet sa Nobyembre.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Paynor na bukod sa gagawaing multilateral meetings ng ASEAN member heads of state, may nakahanay ding bilateral meetings si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinuno ng iba’t ibang bansa.
Kabilang sa mga makikipagpulong kay Pangulong Duterte sina Sultan Hassanal Bolkia ng Brunei, Indonesian President Joko Widodo.
Habang may inaasahan ding pag-uusap sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump sa kasagsagan ng okasyon.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping