Inilatag na ang mahigpit na seguridad sa gaganaping concert ng international pop singer na si Britney Spears sa Pasay City sa Hunyo 15.
Ayon sa National Capital Region Police Office o NCRPO, ito ay upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa nangyaring concert ni Ariana Grande sa Manchester, Great Britain kung saan nagkaroon ng terrorist attack.
Ipatutupad ang protocol sa concert at magkakaroon din ng coordinated conference ang mga security officers bilang paghahanda sa event.
Gayunman ay wala namang natatanggap na anumang pagbabanta ang mga awtoridad sa naturang event.
By Rianne Briones
Seguridad para sa Britney Spears PH concert inilatag na was last modified: June 13th, 2017 by DWIZ 882