Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na epektibo ang kanilang mga inilatag na seguridad para sa halalan.
Ito ay kasunod ng pagbaba ng mga naitalang insidente ng karahasang may kaugnayan sa eleksyon kumpara sa mga nakaraang halalan.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, kanilang ikinagulat na maging sa mindanao na inilagay sa red category election hotspot ay bumaba ang mga naitalang election- related incidents.
Gayunman, sinabi ni Banac na nagkaroon sila ng bagong concern o alalahanin at ito aniya ang pagdami ng kaso ng vote buying.
Dagdag ni Banac, bumuo na sila ng 100 tracker teams sa buong bansa para tumutok sa biglaang pagdami ng ulat ng pagbili ng boto.
Sa ngayon, nasa 26 na indibiduwal na aniya ang kanilang naaresto dahil sa reklamo ng umano’y vote buying.