Pinaghahandaan na din ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang seguridad para sa mga asawa ng mga Association of Southeast Asian Nations o ASEAN minister na inaasahang kasama sa ASEAN Summit at related meetings sa susunod na buwan.
Ayon kay NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde, naka-bukod ang security set up para sa mga asawa ng mga dadalong ASEAN leaders, pero wala ito sa kanilang hurisdiksiyon.
Presidential Security Group o PSG aniya ang hahawak sa security plan ng minister’s spouses kabilang na si Madam Honeylet Avanceña na inaasahang magiging punong abala.
Samantala, tiniyak ni Albayalde na handa sila sa anumang maaaring maging pagbabago sa itinerary ng mga asawa ng mga foreign leader na dadalo sa ASEAN Summit.