Kasado na ang inilatag na seguridad ng Philippine National Police para sa pagbubukas ng klase bukas.
Ayon sa PNP, aabot sa 120,000 mga pulis ang kanilang ipakakalat sa buong bansa para magbigay ng seguridad sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral.
Sinabi naman ni NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar, 7,000 sa nasabing bilang ay naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa kalakhang Maynila.
Aniya, hindi lamang itatalaga ang mga pulis sa paligid ng mga eskwelahan kundi maging sa mga kalsada at terminal, maliban pa sa mga nagpapatrolya at inilagay na checkpoint.
Handang-handa na tayo at ‘yan ay matapos ‘yung preparasyon natin for quite some time. Kung matatandaan natin, itong huling dalawang linggo, ito na ‘yung Brigada Eskwela kung saan tayo ay tumulong kasama ang ibang ahensya sa ating mga eskwelahan lalo na sa mga public school para po sa paghahanda at preparasyon pati paglilinis, pagkukumpuni sa ibang mga minor na mga kagamitan para po sa pagbubukas ng klase.” pahayag ni Eleazar.
Todong Nationwide Talakayan Interview