Kasado na ang seguridad para sa pagbubukas ng klase sa buong kapuluan sa Hunyo 3.
Ayon kay Police Colonel Bernard Banac, Spokesman ng PNP, magpapakalat sila ng dagdag na pulis sa paligid ng mga paaralan lalo na sa mga bayan o siyudad na mayroong isyu sa seguridad tulad ng Marawi City.
Sinabi ni Banac na mahigpit pa rin naman ang seguridad hanggang sa pasukan dahil nananatili sa red alert ang Philippine National Police dahil panahon pa rin ng eleksyon,.
Maliban sa seguridad, nakikibahagi rin ang PNP sa Brigada Eskwela kung saan isinasaayos at nililinis ang mga paaralan.
“Meron tayong mga itatalagang mga pulis diyan, roving at patuloy ang ating pakikipag ugnayan sa mga school principals at yung kanilang mga teachers para tuloy tuloy nating mapag usapan ang mga suliranin at mga problema ng mga kabataan lalo na yung mga mag aaral lalo na pagdating sa iligal na droga at minsan yung mga kabataan natin ay may nagagawa ring mga krimen, yung mga paglabag sa mga batas.”- Pahayag ni Pol. Col. Bernard Banac, PNP Spokesman
(Balitang Todong Lakas interview)