Kasado na ang seguridad para sa pagpasok ng panahon ng halalan.
Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng special operations task group na mangangasiwa sa pagpapatupad ng seguridad sa panahon ng halalan.
Ilalarga ito sa pagsisimula ng filing of certificate of candidacy sa Huwebes, October 11 at ang magsisilbing ng bawat task group ay ang hepe ng iba’t ibang Directorate for Police Operations.
Batay sa datos ng PNP, halos 8,000 mga barangay at halos 900 bayan ang tinukoy na hotspots o areas of concern tuwing eleksyon.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sinimulan na rin nilang isalang sa evaluation ang mga opisyal ng PNP sa mga lalawigan upang alamin kung may kamag-anak o may koneksyon sila sa mga tumatakbong kandidato sa kanilang lugar.
—-