Mas hihigpitan pa ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad para sa magaganap na special election sa labing dalawang lugar sa bayan ng Tubaran, Lanao del Sur.
Bantay-sarado ng mga tauhan ng PNP ang mga lugar kung saan, isasagawa ang special elections matapos maitala ang unang failure of elections bunsod ng kaguluhan sa nasabing lalawigan noong Mayo a-nueve.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, nasa walong daang mga personnel ang itinalaga mula sa pinagsanib-puwersang tauhan ng PNP at Armed Forces of the Philippines.
Sa ngayon, wala pang namo-monitor na kahit anong banta ng seguridad at panggugulo sa Lanao del Sur.
Samantala, hinihintay parin ng PNP ang abiso mula sa Comelec kung kailan naman isasagawa ang special elections sa dalawa pang mga barangay sa mga bayan ng Binidayan at Butig.