Naka taas na ang alerto ng Bureau of Immigration sa inaasahang pagdagsa ng mga byahero ngayong undas at pagdating ng mga delagadong dadalo sa ASEAN summit.
Tiniyak ni Immigration Acting Spokesperson Grifton Medina na doble higpit na ang kanilang pagsusuri at pag-iinspeksyon sa mga pasahero sa mga pantalan at paliparan.
Hindi rin ligtas sa magiging mahigpit na inspeksyon ng mga immigration officer ang mga dayuhang mayroong kahina-hinalang travel documents.
Kabilang din dito ang mga pilipinong aalis sa bansa upang matiyak na hindi ito biktima ng human trafficking at illegal recruiters.