Handa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagdiriwang ng ika-36 na anibersaryo ng People Power Revolution bukas, Pebrero a-25.
Nagsagawa na ng dry-run ang PNP at AFP sa Edsa People Power Monument para sa pagpapatupad ng seguridad.
Kabilang sa inaasahan ng mga otoridad ang ilulunsad na kilos protesta ng iba’t ibang grupo sa nabanggit na lugar.
Inabisuhan naman ng AFP at PNP ang mga dadalo sa pagdiriwang na sumunod sa umiiral na COVID-19 health protocols. —sa panulat ni Mara Valle