Hinigpitan na ang seguridad sa isla ng Boracay sa Aklan para sa mga delegadong dadalo sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.
Idaraos sa Boracay ang senior officials’ meeting at 23rd meeting ng ASEAN Inter-Governmental Commission on Human Rights simula Pebrero 13 hanggang 15 habang mag-ho-host din ang Aklan ng ASEAN Ministerial Meeting Retreat.
Tinatayang dalawanlibo walundaang (2,800) pulis ang ide-deploy ng Aklan Provincial Police Office at nasa dalawandaang (200) volunteers ang ipakakalat upang magbigay seguridad sa mga venue ng meeting at iba pang pasilidad na gagamitin ng ASEAN delegates.
Kabilang sa mga tututukan ang Kalibo International Airport at Caticlan Airport sa bayan ng Malay; Jetty Ports at mga kalsadang daraanan ng mga delegado.
Katuwang ng mga pulis sa pagbibigay seguridad ang mga sundalo at Philippine Coast Guard (PCG).
By Drew Nacino