21 beses na mas matindi ang preparasyon ngayong Asia Pacific Economic Summit kumpara noong bumisita ang Santo Papa sa bansa.
Ito ang inihayag ni MMDA Chairman Emerson Carlos, tatlong araw bago ang apec leaders meeting dito sa metro manila.
Ayon kay Carlos, noong papal visit, tanging si Pope Francis lamang ang tinutukan ng husto ng security forces ng bansa.
Pero ngayong APEC anya, 21 economic leaders ang kailangan nilang matiyak ang seguridad,mula sa pagdating at pag-alis ng mga ito.
Tiniyak naman ni Carlos na plantsado na ang mga plano ng MMDA at nagsimula na ring ipakalat ang kanilang aabot sa 2,500 na mga tauhan.
Mula anya kahapon ay 24 oras na ang trabaho ng MMDA Hanggang sa pagtatapos ng APEC week sa biyernes.
By: Jonathan Andal