Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang seguridad sa isasagawang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Meeting sa November 18 at 19.
Kasunod ito nang pagdukot sa 3 dayuhan at 1 Pilipina sa Samal Island sa Davao del Sur.
Ayon kay DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, patuloy ang kanilang pagkilos para masiguro ang kaligtasan ng mga dadalo sa naturang pulong.
Ang naganap na pagdukot sa Samal Island ay mahigpit nang tinututukan ng mga kinauukuhang ahensya ng gobyerno.
By Judith Larino | Allan Francisco