Tiniyak ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang seguridad sa gaganaping Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa sa Nobyembre.
Ayon kay Dela Rosa, simula nang tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang chairmanship para sa ASEAN, nagsagawa na agad sila ng security planning hinggil dito.
Sinabi ni Dela Rosa na ibabatay sa day-to-day assessment kung kailangang magdagdag ng tauhan na ipakakalat sa ASEAN Summit at sa halos 100 ministerial meetings na gaganapin buong taon.
Kaugnay nito, opisyal na inilunsad ng Pilipinas ang Chairmanship nito sa ASEAN Summit 2017 noong linggo (Enero 15) na ginanap sa SMX Convention Center in Davao City.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal / Race Perez