Paiigtingin pa ng Pilipinas ang seguridad nito sa Benham Rise matapos mamataan dito ang isang surveillance ship ng China.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, duda siya sa naging paliwanag ng China na hindi sinasadya ang pagdaan doon ng kanilang surveillance ship at wala silang ginagawang paniniktik sa lugar.
Sa panayam kay Lorenzana sa Baguio City kahapon, sinabi nito na binabalak din nilang magtayo ng isang istruktura sa plateau ng Benham Rise upang magsilbing babala sa mga dayuhan na bahagi iyon ng teritoryo ng Pilipinas.
Taong 2012 nang igawad ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf sa Pilipinas ang soberenya sa nasabing teritoryo.
By Jaymark Dagala