Doble-higpit ngayon ang ipinatutupad na seguridad ng PNP Special Action Force o SAF sa New Bilibid Prison (NBP).
Ito’y makaraang sumiklab ang riot sa loob ng Bilibid kung saan nasawi ang drug lord na si Tony Co habang nasa kritikal na kundisyon si Peter Co at sugatan naman si Jaybee Sebastian.
Kasunod nito, inihayag ni Bureau of Corrections o BuCor Officer in Charge Rolando Asuncion na suspendido muna ang dalaw sa maximum security compound ng Bilibid partikular na sa Building 14 kung saan nangyari ang riot.
Nilinaw naman ni Asuncion na patuloy pa rin ang dalaw sa medium at sa Minimum Security Compound ng Bilibid subalit daraan pa rin sa masusing inspeksyon ang mga dadalaw.
SAF
Samantala, hindi nagkulang ang naka-deploy na Special Action Forces (SAF) sa Bilibid, sa pagsiklab ng riot kahapon.
Sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na nananatili pa din na pinakamagaling na pulis ang SAF, at hindi din nalusutan ang mga ito ng droga.
Ayon kay Dela Rosa, posibleng lumang stock na ang shabu na ginamit ng inmates sa kanilang pot session.
Binigyang diin ni Dela Rosa na hindi niya babawiin ang ibinigay na extension sa SAF sa pagbabantay sa Bilibid.
By Jaymark Dagala | Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)