Walang ipinatupad na pagbabago sa seguridad ang BJMP o Bureau of Jail Management and Penology sa kanilang pasilidad sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Kasunod ito ng pagpanaw ni Engineer Cayamora Maute, ama ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute na siyang utak ng nangyayaring gulo ngayon sa Marawi City.
Ayon kay BJMP Spokesman Senior Inspector Xavier Solda, walang magbabago sa kanilang mga security measures dahil matagal nang mahigpit ang kanilang ipinatutupad na seguridad sa nasabing pasilidad.
Maliban sa yumaong si Cayamora, nasa special intensive care area sa nasabing kampo ang naulilang may bahay nito na si Farhana habang nakakulong sa ordinaryong pasilidad ang ilan pang miyembro at tagasuporta ng mga Maute.
By Jaymark Dagala