Mas hinigpitan pa ang seguridad sa national headquarters ng PNP sa Camp Crame.
Ayon kay Chief Inspector Geoffrey Lim ng PNP Headquarters Support Service, mga miyembro na ng Special Action Force ang nagbabantay sa gate ng Kampo.
Tumanggi naman si Lim na banggitin ang dahilan nang pinaigting na seguridad at kung ilan ang idinagdag na puwersa na magbabantay sa PNP National Headquarters.
Naapektuhan din ng paghihigpit ang mga miyembro ng PNP Press corps na hindi muna pinayagang makapasok ng kampo hanggang walang permit o clearance mula sa Public Information Office.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)