Hinigpitan na ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa Kampo Krame.
Ito ay para sa inaasahang pagdating bukas ng umano’y Eastern Visayas drug lord na si Kerwin Espinosa mula Abu Dhabi.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos, maliban sa mga regular na tauhan ng headquarters support service, ipapakalat din sa kampo ang bomb squad na siyang susuri sa mga papasok na sasakyan.
Sa labas naman ng kampo ay naka-deploy ang mga tauhan ng NCRPO.
Sa ngayon ay wala namang namo-monitor na banta sa buhay ni Espinosa ang PNP.
By Ralph Obina / Jonathan Andal (Patrol 31)