Nagtaas na ng red alert status ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa Cagayan de Oro city para sa unang serye ng presidential debate sa Cagayan de Oro City ngayong araw.
Ayon sa Cagayan de Oro City PNP, nakakalat ang mga tauhan mula sa PNP Region 10 gayundin ang 4th Infantry Division ng Philippine Army sa mga istratehikong lugar.
Kahapon, nagsagawa ng inspeksyon ang PNP explosive ordinance division sa paligid ng Capitol University na siyang pagdarausan ng debate.
Kasunod nito, inihayag ni Commission on Elections Chairman Andy Bautista na mahigpit na ipinagbabawal sa venue ang mga sumusunod.
Campaign materials ng mga kandidato, pag-iingay o kantiyawan ng mga taga-suporta, pagdadala ng bottled water upang maiwasan ang batuhan.
Limitado lamang ani Bautista ang kapasidad ng venue sa limandaan kaya’t salang-sala rin ang mga mediamen na magco-cover sa nasabing debate.
By: Jaymark Dagala