Inihahanda na ang mahigpit na seguridad sa pagbisita ni Japanese Prime minister Shinzo Abe sa Davao City.
Nakatakdang bisitahin ng opisyal ang Little Tokyo sa Calinan kung saan nanirahan ang mga Hapon noon.
Nagpahayag din umano ng interest si Abe na bisitahin ang tahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Doña Luisa Subdivision Matina.
Inaasahang bibisita si Abe at ang delegasyon nito sa bansa simula bukas January 12 hanggang 13.
By Rianne Briones