Kasado na ang security plans ng National Capital Region Police Office o NCRPO para sa unang araw ng paghahain ng filing of certificate of candidacy sa Lunes, Oktubre 12.
Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Joel Pagdilao, inatasan na niya ang lahat ng district director na bigyan ng sapat na bilang ng tauhan ang tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila maging sa mga satellite office nito sa Metro Manila.
Nakipag-ugnayan na rin anya sila sa lahat ng local traffic unit para sa pagmamando ng daloy ng trapiko.
By Drew Nacino | Jonathan Andal
*Photo Credit: hatawtabloid.com