All systems go na ang seguridad para sa huling Pili-Pinas presidential debate sa University of Pangasinan sa Linggo, Abril 24.
Ayon kay Supt. Christopher Abrahano, Hepe ng Dagupan City Police, isasara sa mga motorista ang kalsada sa tapat ng “U-Pang” at tanging mga sasakyan ng mga presidential candidate at kanilang guest ang papayagang makadaan.
Papayagan namang makadaan ang mga ambulansya at iba pang sasakyan na patungo sa Region 1 Medical Center habang isa pang kalsada sa likod ng paaralan ang isasara.
Ang back gate ng unibersidad ang magsisilbing entrada ng mga manonood ng debate habang sa front gate papasok ang mga kandidato at kanilang guests.
Samantala, tinatayang 700 pesonnel mula sa iba’t ibang police at military units ang idedeploy para sa naturang aktibidad na pangungunahan ng television network na ABS-CBN.
By Drew Nacino