Pinaigting pa ng Manila Police District o MPD ang seguridad nito sa iba’t ibang bahagi ng Maynila para sa pagdiriwang ng Valentine’s Day kasabay ang pagsisimula ng panahon ng Semana Santa gayundin ang Chinese New Year.
Sinabi ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel na partikular na babantayan ng kanilang puwersa ang mga simbahan sa Maynila dahil sa mga ispesyal na misa at recollection para sa Ash Wednesday.
Ito rin aniya ang simula nang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Chinese New Year kaya’t mahigit 1,000 pulis ang ikakalat nila mula Binondo hanggang Divisoria.
Ayon pa kay Coronel, may augmentation force rin silang itatalaga sa Police Community precincts 2, 3 at 11 kung saan sentro ng mga aktibidad ang Lucky China Town na siyang pinakamalaking Chinatown sa buong mundo.